PNP, pabor na ibaba sa 9 na taong gulang ang age of criminal liability

Manila, Philippines – Sang-ayon si PNP Chief Police Director General Oscar Albayalde nq ibaba sa 9 na taong gulang ang age of criminal liability.

Sinabi ni Albayalde sa isinagawang reular prescon sa Camp Crame, pabor sila sa pag-amyenda sa juvenile justice act.

Paliwanag nito pabata ng pabata ang mga nasasangkot sa krimen gaya ng pagtutulak ng iligal na droga, panggagahasa at iba pang krimen.


Pero suhestyon ng PNP Chief mas mabigat dapat ang parusa sa mga magulang na itinutulak ang kanilang anak para gumawa ng krimen.

Sa huli aniya bilang law enforcement agency susunod lamang sila sa kung ano ang nakasaad sa batas at mga maipapasang batas.

Facebook Comments