Suportado ng Philippine National Police (PNP) ang paglalabas ng pangalan ng mga artistang sangkot sa ilegal na droga at kabilang sa watchlist.
Ayon kay PNP Chief, Police General Oscar Albayalde – magiging patas lamang kung isasapubliko ang mga celebrity na dawit sa illegal drug trade, tulad ng mga narco-politicians.
Pero binigyang diin ni Albayalde – na ang desisyon sa paglalabas ng listahan ay nakasalalay na sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), Department of Interior and Local Government (DILG) at Office of the President.
Kailangan din aniyang mangalap ng ebidensya laban sa mga artistang ito para masampahan sila ng kaukulang kaso at makapagsagawa ng operasyon laban sa mga ito.
Nagsumite na ang PNP ng sarili nilang listahan sa PDEA, na repository data sa war on drugs.
Una nang sinabi ni PDEA Director General Aaron Aquino na nasa 31 celebrity ang nasa kanilang watchlist na patuloy na bineberipika.