PNP, pabor sa parusang death penalty para sa drug offenders

Payag ang Philippine National Police (PNP) na magkaroon ng parusang death penalty para sa lahat ng mga drug offender o mga indibidwal na guilty sa kasong may kinalaman sa droga.

Ginawa ng PNP ang pahayag matapos na mabanggit ng Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang State of the Nation Address (SONA) na pinamamadali nito sa Kongreso ang pagpasa ng batas na nagpapataw ng kaparusahang death penalty by lethal injection para sa mga krimen na sakop ng Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Ayon kay PNP Chief Police General Archie Gamboa, sa ngayon, bahala na ang mga mambabatas kung paano nila susukatin ang mga nakumpiskang droga para pasok sa parusang death penalty ang isang drug offender.


Pero kung siya ang tatanungin, dapat 50 grams pataas ng iligal na droga na makukumpiska sa isang drug suspek ay pasok na ito sa kaparusahang death penalty.

Naniniwala si Gamboa na isa itong magandang hakbang para mabawasan ang nga transaksyon ng droga sa bansa.

Nagiging relax kasi ang mga drug suspek lalo na ang mga banyagang nagkakaroon ng drug transaction sa bansa dahil walang death penalty na ipinatutupad sa bansa para sa big time drug suppliers.

Facebook Comments