PNP, paiigtingin ang pagmo-monitor sa online booking websites ngayong Semana Santa

Ngayong Holy Week break kung saan kadalasan itong sinasamantala ng ating mga kababayan para magbakasyon, pinaigting ng Philippine National Police Anti-Cybercrime Group (PNP-ACG) ang kanilang cyber-patrolling efforts.

Ayon kay PNP PIO Chief PCol. Jean Fajardo, partikular na tututukan ng PNP-ACG ang pag-monitor sa online booking websites.

Layon aniya nito na masawata ang fake travel agencies na nambibiktima ng mga bakasyunitang nagpapa-book online.


Ani Fajardo, isa lamang ito sa mga hakbang na inilatag ng Pambansang Pulisya upang masiguro na mapoprotektahan laban sa mga online scammer ang ating mga kababayan na magbabakasyon ngayong mahal na araw.

Una nang inilunsad ng Department of Transportation (DOTr) ang Travel scam hotline 1326 kung saan pupwedeng magsumbong ang mga kababayan natin beinte kwatro oras ng mga nambibiktima ng mga bakasyunista.

Facebook Comments