PNP, paiigtingin ang seguridad para sa nalalapit na kapaskuhan at bagong taon

Pinaigting ng Philippine National Police (PNP) ang mga hakbang sa seguridad ng ahensya para sa nalalapit na pagdiriwang ng Pasko at Bagong Taon sa buong bansa.

Kung saan inanunsyo ng PNP ang heightened alert status sa lahat ng units nito alinsunod sa Ligtas Paskuhan 2025 Operational Guidelines ng ahensya.

Ayon kay Acting PNP Chief Police Lt. Gen Jose Melencio Nartatez Jr., nais ng PNP na ma-enjoy ng walang pangamba ng mga tao ang simbang gabi, paguwi sa kanilang mga tahanan o kahit lumabas para gumala at mamili.

Dahil dito ay nagdeploy na ang PNP ng mga police assistance desks para sa mga malalaking paliparan, pantalan at bus terminals kung saan ang mga itatalagang personnel ay tutulong para sa crowd management, trapiko, lost-and-found cases, at mga emergency incident.

Nagdeploy din ng mga PNP personnel sa mga simbahan na tiyak na dadagsain dahil sa tradisyonal na siyam na araw na pagsisimbang gabi.

Pagiigtingin din ng ahensya ang mga operasyon nito kontra pagnanakaw ,panghoholdap at iba pang krimen lalo na at maraming masasamang loob ang sasamantalahin ang nasabing mga panahon.

Samantala, nakikipagugnayan na rin ang ahensya sa mga local government units para magbantay sa mga ilegal na nagbebenta ng paputok.

Facebook Comments