PNP PANGASINAN, ALL SYSTEMS GO SA PAG UUMPISA NG COMELEC GUN BAN

Naplantsa na lahat ng mga kailangan ayusin para sa magaganap na pag umpisa ng filing ng Certificate of Candidacy ng mga gustong kumandidato sa Barangay and SK Elections sa buwan ng Oktubre.
Ito ang pahayag ni Pangasinan PNP Public Information Officer Police Captain Renan Dela Cruz sa naging panayam ng IFM Dagupan.
Ayon sa opisyal, sa Gabi ng Linggo August 27 ay magkakaroon ng launching ng mga checkpoint kung saan ay hudyat na ito ng Comelec Gun Ban kasabay ng umpisa ng Filing ng Certificate of Candidacy kinaumagahan.

Bahagi aniya ito ng napag usapan sa ginawang Joint Meeting ng hanay ng PNP, COMELEC at AFP.
Dagdag pa ng opisyal, ang apat na lugar na kinokonsiderang Areas of Concern sa magaganap na Elections na nabanggit ni Pangasinan Provincial Election Supervisor Atty. Marino Salas ay posibleng madagdagan o mabawasan depende sa mga matatanggap na report ng PNP Pangasinan kaugnay sa mga lugar na posibleng babantayang mabuti dahil sa banta ng seguridad. |ifmnews
Facebook Comments