PNP PANGASINAN, BINALAANG AARESTUHIN ANG MGA PRANK CALLER NA NAGPAPANGGAP NA OPISYAL NG GOBYERNO

LINGAYEN, PANGASINAN – Nagbabala ang Philippine National Police Pangasinan na aarestuhin ang mga prank callers na nagpapanggap na opisyal ng gobyerno.

Ito’y matapos ang insidente na isang indibidwal umano ang nagpanggap na siya ay si Police Provincial Director Police Colonel Ronald Gayo at nagpapahanda ng isang catering service at food packs.

Ayon sa PNP Pangasinan, isang concerned citizen ang dumulog sa kanilang tanggapan upang ireport ang prank calls.


Hindi ito umano ang unang pagkakataon na nabiktima ang PNP Pangasinan ng prank callers.

Dahil dito, agad na nagsagawa ng imbestigasyon at verification ng number at pagtratracked sa may-ari ng cellphone na ginamit sa panloloko.

Inabisuhan naman ang lahat ng Police Station sa lalawigan na maging alerto sa anomang tawag na matatanggap ng mga ito sa publiko.

Sa ilalim ng Presidential Decree No. 1727, ang sinomang indibidwal na mapatunayang nagpapakalat ng malisyosong impormasyon ay maaaring makulong ng hindi bababa sa limang taon at nakatakdang magpiyansa ng 40, 000.

Facebook Comments