Tuloy-tuloy ang panawagan ng kapulisan partikular na ang Pangasinan Provincial Police Office sa mga gun owners na asikasuhin na ang kanilang mga gamit na baril at i-renew na ang mga lisensya upang hindi na magka-problema sa paparating na halalan.
Sinabi ni Police Lt. Col. Meilani Joy Ordoño, ang Chief ng Pangasinan Provincial Forensic Unit, layunin ng pag-aasikaso sa mga baril ay upang hindi mabisita at mapuntahan ng kapulisan sakaling ang kanilang mga gamit na lisensya ay paso na.
Ang pag-aasikaso para sa mga gamit na baril na tinatawag na controlled item ay upang matulungan ang kampanya ng kapulisan ng Pangasinan na LTOPF Caravan kung saan kaliwa’t kanang isinasagawa ito sa iba’t ibang bahagi ng probinsya, upang makatulong sa mga gun owners na makatipid at iwas hassle na rin dahil sa layo ng San Fernando City, La Union at Camp Crame sa Quezon City para lang mag-renew ng mga lisensya.
Samantala, magkakaroon ng dalawang araw na License To Own And Possess Firearms (LTOPF) Caravan na gaganapin sa bayan ng Aguilar sa darating na July 12-13, 2023.
Sa LTOPH na ito, maaaring pumunta ang sinumang manggagaling sa iba’t ibang lugar upang magpa-rehistro at mag-renew ng mga baril.
Paalala ngayon ng awtoridad na dalhin na lamang ang mga kaukulang dokumento upang hindi na mamroblema sa mismong araw ng pagpunta sa lugar. |ifmnews
Facebook Comments