PNP PANGASINAN, LULUWAGAN NA ANG BORDERS

LINGAYEN, PANGASINAN – Luluwagan na ng Philippine National Police (PNP) Pangasinan ang border quarantine-controlled checkpoint nito matapos ibaba sa Modified General Community Quarantine ang probinsiya hanggang sa ika-30 ng Nobyembre.

Ayon sa PNP Pangasinan, inabisuhan na nito ang mga pulis na nagmamando sa (BCPQ’s) na luwagan ang pagchecheck ng travel requirements lalo sa mga dadaan sa boundaries ng probinsiya matapos ibaba sa Alert Level 3 ang quarantine status ng NCR.

Unti-unti ring babawasan ang mga pulis na naka-deploy sa BCPQs upang gamitin sa Anti Criminality Operations ng pulisya.


Ang mga fully vaccinated individuals ay maaring makapasok ng probinsiya maliban sa mga indibidwal na pupunta ng Ilocos sur at Ilocos Norte na kailangan pang magpakita ng negatibong resulta ng RT-PCR o Antigen.

Samantala, Lahat ng mga papasok sa probinsiya kailangang magpakita ng S Pass travel permit liban sa mga APORS.###

Facebook Comments