PNP Pangasinan may paalala sa publiko matapos umano ang banta ng ISIS sa lalawigan

“Huwag basta basta magpapaniwala sa social media”
Ito ang naging pahayag ng PNP Pangasinan matapos umanong kumalat sa social media ang isang memo na naglalaman ng impormasyon na target ng ISIS ang pagpapasabog sa mga Crusader Churches sa Northern Luzon.
Kabilang na binanggit dito ang bayan ng Manaoag Pangasinan kung saan nandito ang Minor Basilica of Our Lady of Manaoag. Ayon kay Police Liutenant Alma Cruz, Information Officer ng PNP Pangasinan nagsassagawa na ng beripikasyon at monitoring ang kanilang hanay ukol dito.
Hiningi rin nito ang koordinasyon ng Pangasinense na kung mayroon mang mapansing kahina hinalang kilos ng isang tao ay agad itong ireport sa kanilang himpilan upang agad na maaksyunan.

Facebook Comments