PNP PANGASINAN MULING NAGBABALA KAUGNAY SA MGA INVESTMENT SCAM

Muling nagpaalala ang hanay ng PNP sa lalawigan ng Pangasinan kaugnay sa mga Investment Scam.
Ito ay matapos mabiktima ang tinatayang aabot sa isang daan ang nabiktima ng sinasabing Investment Scam sa bayan ng Rosales.
Sa naging panayam ng IFM Dagupan kay Pangasinan PNP Public Information Officer Police Captain Renan Dela Cruz, mahigpit ang kanilang paalala at babala sa mga mamamayan kaugnay sa mga Scam.

Wala aniyang “easy money” at huwag agad maniniwala kapag “too good to be true” ang mga alok.
Kilala naman na ayon kay Captain Dela Cruz ang sinasabing kumausap sa mga biktima kung saan ay nakatakdang kuhanan ng pahayag bago magsampa ng kaso.
Sa ngayon ay inaalam pa ng PNP kung ilan talaga ang biktima ng nasabing Investment Scam sa Rosales at kung magkano ang nakulimbat ng nasabing scammer. |ifmnews
Facebook Comments