Nagbigay ng paalala ang PNP Pangasinan sa mga motorista tungkol sa Defensive Driving Principles na dapat nilang tandaan at maaari nilang gawin dahil hindi natin nalalaman kung kailan ang oras ng disgrasya at kapahamakan sa kalsada.
Ayon sa inilabas na paalala ng PNP Pangasinan, hindi talaga maiiwasan ang mga iba’t ibang klase ng kondisyon gaya ng sama ng panahon at kung ano pa man ngunit maaari umano itong makontrol sa pamamagitan ng mga pamamaraan na dapat alam ng mga motorista lalo kapag babyahe.
Sundin lamang ang pitong defensive driving principles gaya ng dapat ay palaging aware sa mga nasa kapaligiran, dapat marunong din makiramdam sa maaaring masamang gawin ng ibang mga driver na kasabay sa kalsada, maging focus at huwag hahayaang ma-distract ng basta-basta.
Mas maganda rin kung magiging cautious sa kung saan kang kalsada bumabyahe at pumosisyon sa mga lugar na madali kang makikita.
Pinaka-importante ang pagsunod dapat sa mga rules sa kakalsadahan at ang panghuli ay asahan na agad ang mga hindi dapat inaasahan na mangyayari sa gitna ng byahe.
Mahigpit naman na paalala ng kapulisan na laging irespeto ang ibang mga drivers ang batas na nakapaloob sa tuwing babyahe nang sa gayon ay iwas sa kapahamakan. |ifmnews
Facebook Comments