PNP PANGASINAN, NAGSAGAWA NG COMMUNITY OUTREACH PROGRAM SA ASINGAN

Nagsagawa ng isang Community Outreach Programa ang himpilan ng PNP Pangasinan sa pamumuno ni PMAJ Katelyne May Awingan, officer in charge sa bayan ng Asingan.
Ang isinagawang Community Outreach Program ay may temang “Handog Pasasalamat ni Nanay Pulis sa mga Batang Paslit” na siyang bahagi ng 2023 National Women’s Month Celebration.
Ang aktibidad na ito ay naglalayun naman na maiparamdam sa mga mamamayan kalinga at malasakit ng Kapulisan at ng gobyerno nang sa gayon ay mapaglingkuran sila at matulungan sa mga pangangailangan ng mga ito.
Nabenipisyuhan nito ang isang daang indibidwal, limangpu sa pwds at limampu rin sa senior citizens kung saan napamahagian ang mga ito ng laruan, tsinelas, limang kilo ng bigas sa bawat nanay ng PWDs, mga food packs, blanket, wheelchairs, gift packs at libreng gupit.
Naisakatuparan naman ang naturang programa sa tulong ng PRO1 Officers Ladies Club, local government ng Asingan, alkalde ng bayan, mga organizations, advocacy groups, at ilan pang kawani at ahensya ng lokal na pamahalaan.
Facebook Comments