PNP PANGASINAN, NAGSIMULA NANG MAGHANDA UKOL SA NALALAPIT NA BSKE SA OKTUBRE

Nagsimula nang maghanda ang Pangasinan Police Provincial Police para sa nalalapit na Barangay at Sangguniang Kabataan (SK) elections ngayong darating na Oktubre sa pamamagitan ng mahigpit na pagsubaybay sa mga galaw ng lahat ng hinihinalang gun-for-hire sa lalawigan.
Sinabi ni P/Col. Jeff Fanged, PPPO Director, na ang pagtukoy sa lahat ng posible at pinaghihinalaang guns-for-hire sa lalawigan ay kabilang saA priority ng PNP ngayon.
Sinabi pa ni Fanged na dahil mas magulo ang Barangay Elections kaysa National Elections, mahalagang ma-neutralize ang mga tinatawag na PAGs (private armed groups).

Idinagdag niya na ang pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan sa panahon ng halalan ay hindi maaaring gawin ng mga pulis lamang ngunit sa tulong ng mga opisyal ng Barangay “na dapat kumilos nang maayos”.
Aniya, isasagawa ang provincial Barangay Summit bago ang halalan, sa pakikipag-ugnayan sa pamahalaang panlalawigan, upang talakayin ang saklaw ng pagpapatupad upang matiyak ang pagsasagawa ng mas mapayapang halalan.
Sa naging panayam ng IFM Dagupan kay Pangasinan PNP Public Information officer PCapt. Renan Dela Cruz, wala pang naitatalang PAGs sa lalawigan ngunit naka-full alert ang mga Intel Officers sa kada PNP Station para sa isinasagawang gathering at validation sa mga impormasyon ukol sa posibleng pagkakaroon ng PAGs sa lalawigan.
Samantala, sa darating na Agosto 28 ngayong taon ay ipapatupad ang Gun Ban at magtatagal ito hanggang Nobyembre 29, 2023.
Ang mga aplikasyon para sa pagpapalabas ng Certificate of Authority para sa Gun Ban exemption ay maaaring ihain hanggang Nobyembre 15, 2023. |ifmnews
Facebook Comments