PNP Pangasinan pabor sa pag-buhay ng Death Penalty sa Heinous Crimes

Lingayen Pangasinan – Sang-ayon ang Pangasinan Provincial Police Office sa muling pagbalik sa pagpataw ng death penalty sa mga heinous crimes tulad ng murder, rape, robbery, kidnapping o mga karumal dumal na krimen.

Kahapon sa pagpresenta nila sa top one most wanted ng San Carlos City sa kasong rape sa sarili nyang apat na anak ay inihayag ni Officer in Charge ng San Carlos na si PtLt/Col. Rollyfer J. Capoquian ang suporta sa pag-buhay sa arusang kamatayan para sa mga kriminal na gumagawa ng karumal-dumal na krimen.

Ito umano ay isa sa nakikitang paraan ng kanilang hanay upang matakot ang mga kriminal na gumawa pa ng heinous crimes. Makakaasa umano ang mga mamamayan na mas paiigtingin ng PNP Pangasinan ang pagtutok sa mga karumaldumal na krimen upang agad itong malutas. Nanawagan naman ang pwersa ng kapulisan na mas paigtingin ng mga mamamayan ang pakikipagtulungan sa kanila upang mas madaling maresolba ang mga krimen sa lalawigan.


Facebook Comments