PNP PANGASINAN, SINIGURONG WALANG PINAPANIGAN NGAYONG PANAHON NG ELEKSYON

LINGAYEN, PANGASINAN – Siniguro ng Pangasinan Police Provincial Office na walang pinapanigan ang mga kapulisan ngayong panahon ng eleksyon.
Sinabi ni PCol. Richmond Tadina, Pangasinan PNP Provincial Director na marami ng bilang ng kapulisan sa Pangasinan ang kanilang nailipat ng destino o na reshuffle upang matiyak ang integridad ng hanay ng pulis sa panahon ng national at local election.
Ang rotation umano ng PNP personnel ay upang maiwasan umano ang kandidato na tumatakbo sa iba’t ibang posisyon na gamitin ang kanilang awtoridad sa kapulisan o chief of police para sa kanilang interes sa posisyon.

May concern unit umano na mangunguna sa pagmonitor sa mga tauhan kung sakaling mayroon silang kamag anak na tumatakbo sa posisyon kung saan sila nakadestino.
Sa ngayon ay wala pang nakikita ang PNP Pangasinan na lugar na maaaring maisailalim sa areas of concern kaugnay sa eleksyon ngunit ayon sa ahensiya na bagama’t payapa ang lalawigan ay hindi umano sila nagpapakampante sa pagbabantay sa mga aktibidad ng mga kandidato at kanilang mga taga suporta. | ifmnews
Facebook Comments