PNP, patuloy ang assessment sa mga areas of concern sa eleksyon

Tuloy-tuloy ang assessment ng Philippine National Police (PNP) sa mga lugar sa bansa na maaring isama sa listahan ng mga areas of concern.

Ito ang inihayag ni PNP Public Information Office Chief PBGen. Roderick Augustus Alba matapos ang statement ni PNP Chief PGen. Dionardo Carlos na dalawang lugar sa Lanao del Norte ang na dagdag sa mga itinuturing na areas of concern ng PNP.

Matatandaang una nang nagsumite ang PNP sa Commission on Election (COMELEC) ng listahan ng 105 bayan at 15 syudad na itinuturing na “areas of concern”.


Paliwanag ni Alba, anumang oras ay maaring magbago ang listahan ng “areas of concern” dahil sa tuloy-tuloy na assessment na ginagawa ng PNP sa mga lugar na ito.

Partikular aniyang tinututukan ng PNP ang mga lugar na nasa “red category” o may pinakamataas na banta ng karahasan.

Una nang sinabi ni Gen. Carlos na nakalatag ang paghahanda ng PNP sa seguridad sa halalan at “monitoring” nalang ang kanilang ginagawa hanggang sa araw ng botohan.

Facebook Comments