PNP, patuloy ang pagbibigay ng booster shot sa kanilang mga tauhan

Nagpapatuloy ang pagbibigay ng Philippine National Police (PNP) ng booster shot sa kanilang mga tauhan bilang karagdagang proteksyon laban sa COVID-19.

Batay sa datos ng PNP Health Service ngayong araw, April 11, 2022, umabot na ito sa 214,495 PNP personnel o 96 porsyento.

Habang umakyat na sa 223,433 PNP personnel o 99.59 porsyento ang fully vaccinated o nakakumpleto ng bakuna.


Samantala, nananatili sa 48,861 ang bilang ng mga dinapuan ng Coronavirus sa pulis matapos na walang naitalang bagong kaso ng sakit.

Una nang sinabi ng pamunuan ng PNP na target nilang maabot ang “zero case” ng COVID-19 sa kanilang hanay.

Facebook Comments