Ibinida ng Philippine National Police (PNP) na umabot sa 6% ang ibinaba ng focus crimes sa bansa.
Ayon kay PNP Chief Police General Rodolfo Azurin Jr., base sa datos ng PNP-Directorate for Investigation and Detective Management, mula July 1 hanggang November 30, 2022 naitala ang 16,469 focus crimes kung saan bumaba ito sa 15,482 sa parehong panahon ngayong taon.
Nabatid na ang focus crimes ay mga krimen na itinuturing na seryoso.
Kasama sa walong focus crimes ang theft, physical injury, rape, robbery, murder, homicide, motorcycle theft at vehicle theft.
Facebook Comments