PNP, patuloy na nakasuporta sa DOH kaugnay sa mga precautionary measures kontra COVID-19

Patuloy ang ginagawang koordinasyon ng Philippine National Police o PNP sa Department of Health (DOH) kasabay ng pagdami ng kumpirmadong kaso ng Corona Virus Disease 2019 o COVID-19 sa bansa.

Ayon kay PNP Chief General Archie Francisco Gamboa, nakaantabay lamang sila sa anumang hakbang ng DOH para mapagilan ang pagkalat nito.

Sa katunayan nagtalaga na ang PNP ng mga police officers na magsisilbing focal person na silang makikipag-ugnayan sa mga DOH regional offices.


Hindi naman nakikita ni Gamboa ang pangangailangan para ipatupad pa ang ‘No Facemask, No Entry’ policy sa mga papasok sa lahat ng kampo ng PNP Nationwide.

Una nang inihanda ng PNP ang kanilang Chemical, Biological, Radiological, Nuclear and High Yield Explosives o CBRNE laban sa nasabing sakit.

Facebook Comments