PNP, patuloy na nakipag-uugnayan sa Indonesian police matapos maaresto si Alice Guo

Tuloy ang ugnayan ng Philippine National Police (PNP) sa kanilang Indonesian counterpart hinggil sa nangyaring pag-aresto kay dismissed Bamban Mayor Alice Guo.

Ayon kay PNP Chief Police General Rommel Marbil, mayroon tayong police attaché sa Indonesia na siyang nag-facilitate sa pag-aresto kay Guo sa tulong na rin ng Indonesian police.

Maliban dito, hindi na nagbigay pa ng detalye si Marbil sa operational matters sa paghuli kay Guo.


Sa ngayon, nasa kustodiya aniya ng Indonesian police sa Jatanras Mabes Polri si Guo at inaayos na ang kanyang pagbabalik sa Pilipinas sa lalong madaling panahon.

Facebook Comments