Kahit pa maluwag na ang COVID-19 restrictions sa bansa.
Patuloy pa rin ang Philippine National Police (PNP) sa pagpapaalala na sumunod ang publiko sa health protocols.
Ayon kay PNP Spokesperson PCol. Jean Fajardo, nananatili pa rin ang pandemya kung kaya’t mahalagang tumalima pa rin sa health and safety protocols.
Paliwanag pa nito may mga lugar paring minamandato ang pagsusuot ng face mask tulad sa pampublikong transportasyon, ilang crowded areas at medical facilities.
Aniya, pinauubaya na nila sa management ng ilang establishemento ang pagpapatupad ng health protocols pero nakahanda naman ang PNP na tumulong sa pagpapatupad nito.
Maliban dito, mayroon ding umiikot na mobile patrol ang PNP na siyang nagpapaalala sa publiko na sundin pa rin ang COVID-19 health protocols.