PNP-PDEA Board of Inquiry, binuo matapos na magkabarilan ang PDEA agents at mga pulis sa buy-bust operation sa Quezon City

Bumuo na ng board of inquiry ang Philippine National Police (PNP) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) matapos na magkabarilan ang 20 PDEA agents at mga tauhan ng Quezon City Police District (QCPD) sa buy-bust operation sa Commonwealth Avenue, Brgy. Batasan Hills, Quezon City kagabi.

Ito ang inihayag ni PNP Spokesperson Brigadier General Ildebrandi Usana.

Ayon kay Usana, itinalaga ni PNP Chief General Debold Sinas ang PNP-CIDG para pangunahan ang investigating body habang ang Regional Director ng National Capital Region Police Office (NCRPO) na si Brigadier General Vicente Danao Jr. ay itinalagang magbigay ng update sa insidente.


Sinabi pa ni Usana na tinitiyak ng pamunuan PNP at PDEA sa publiko na hindi makaaapekto sa kanilang relasyon at koordinayson ang nangyari sa halip mas lalo pa nilang paiigtingin ang kampanya kontra ilegal na droga.

Sa nangyaring barilan sa pagitan ng mga pulis at PDEA agents anim ang nasugatan.

Facebook Comments