PNP personnel na infected ng COVID-19, umabot na sa 8,305

Umakyat na sa 8,305 ang bilang ng mga nagpositibo sa Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) sa Philippine National Police (PNP).

Ito’y matapos madagdagan ng 43 na mga panibagong kaso ng sakit.

Base sa inilabas na datos ng PNP, 7,874 sa nasabing bilang ang naka-rekober matapos makapagtala ng 30 na panibagong gumaling sa virus habang nananatili sa 27 ang bilang ng mga nasawi.


Kasalukuyang mayroong 404 na aktibong kaso ng COVID-19 sa hanay ng kapulisan.

Facebook Comments