PNP personnel na nabakunahan, nasa 30 porsyento na

Umabot na sa 63, 579 na mga tauhan ng Philippine National Police (PNP) o halos 30 porsyento na ang naturukan ng bakuna laban sa COVID- 19.

Sa bilang na ito, mahigit 21,000 o halos 10 porsyento na ang nakakumpleto ng pangalawang dose ng bakuna.

Ang mga datos na ito ay mula sa PNP Administrative Support to COVID- 19 Operations Task Force (ASCOTF).


Samantala, batay pa sa ulat ng ASCOTF umabot na sa 29,354 ang mga tauhan ng PNP ang tinamaan ng COVID-19.

Sa bilang na ito, 27,967 ang gumaling na, 1,309 ang aktibong kaso, at 78 ang nasawi.

Kasama na sa bilang na ito ang 44 na bagong recovery at 41 bagong kasong naitala ngayong araw.

Facebook Comments