PNP personnel na namatay sa COVID-19, halos 60 na

19

Umabot na sa 58 ang bilang ng mga nasawi dahil sa COVID-19 sa hanay ng Philippine National Police (PNP).

Batay ito sa ulat ni incoming PNP Chief P/LtG. Guillermo Eleazar na siyang pinuno ng Administrative Support to COVID 19 Operations Task Force (ASCOTF).


Aniya, isang 47 anyos na lalaking pulis na nakatalaga sa Police Regional Office Bangsamoro Autonomous Region ang nasawi dahil sa virus nitong Miyerkules, May 5.

Samantala, nadagdagan pa ng 67 ang bilang ng mga naging infected ng virus sa hanay ng PNP kaya’t umakyat na sa 20,963 ang kabuuang bilang nito.

Sa nasabing bilang, 1,540 ang aktibong kaso o kasalukuyang ginagamot matapos na madagdagan ng 136 ang bilang ng mga bagong gumaling sa sakit kaya’t sumampa na sa 19, 365 ang bilang.

Sa ngayon, patuloy ang effort ng ginagawa ng PNP para mabawasan ang mga pulis na nahahawa ng COVID-19.



Facebook Comments