PNP personnel na nasawi sa COVID-19, nadagdagan pa

Umabot na sa 55 ang mga binawian ng buhay dahil sa COVID-19 sa hanay ng Philippine National Police (PNP).

Batay sa ulat ni PNP Administrative Support for COVID-19 Task Force (ASCOTF) Commander Lt. Gen. Guillermo Eleazar na may isa pang pulis ang nasawi nitong April 25, 2021.

Ang pulis na ito ay 39-anyos na babae na nakatalaga sa Directorate for Personnel Records and Management (DPRM).


Samantala, nasa 19,639 na ang mga tauhan ng PNP ang tinamaan ng COVID-19.

Pero sa bilang na ito may 17,654 ang mga gumaling at 1,930 ang aktibong kaso ng virus.

Nagpapatuloy naman ang vaccination program sa hanay ng PNP para maiwasan kahit papaano ang pagdamit ng mga nahahawaan ng virus.

Facebook Comments