PNP personnel na positibo sa COVID-19, umabot na sa 71

Nadagdagan pa ang bilang ng mga Philippine National Police (PNP) personnel na positibo sa Coronavirus Disease 2019 o COVID-19.

Ito ang kinumpirma ni PNP Spokesperson Brigadier General Bernard Banac batay na rin sa ulat ng PNP Health Service.

Ang mga bagong nagpositive sa virus ay ang 45, 32 at 44 anyos na mga lalaking pulis na naka-assign sa Metro Manila.


Habang nadagdagan naman ng dalawang pulis ang nakarekober sa COVID-19 ito ay ang isang 47 at 34 anyos na lalaki at babaeng pulis nakatalaga rin sa Metro Manila.

59 na PNP personnel naman ang probable persons under investigation (PUI) at 604 ay suspected PUI.

Pero may 600 mga PNP personnel ang natapos na sa self o home quarantine.

Sa ngayon, ang NHQ PNP COVID-19 Patient Care Center sa Camp Crame ay may naka-admit na 40 PNP personnel at sumasailalim sa self-quarantine habang may 110 na mga PNP personnel ang naka-admit ngayon sa isang hotel para rin sa self-quarantine.

Facebook Comments