
Pinaalalahanan ng Philippine National Police (PNP) ang mga netizens partikular na ang mga content creators na magingat sa pagpost ng mga content online.
Ayon kay PNP Chief General Jose Melencio Nartatez Jr., ang pagkalat ng mga maling impormasyon online ay hindi lamang isang iresponsableng gawain, kundi paglabag sa batas.
Ang nasabing warning ay kasunod ng pag-amin ng isang vlogger patungkol sa pagpost ng pekeng medical records ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. para sa online engagements.
Kung saan ang nasabing vlogger ay kasalukuyang iniimbestigahan ng National Bureau of Investigation (NBI).
Nabatid na nauna nang nagbigay ng direktiba si Nartatez na magsagawa ng imbestigasyon patungkol sa pagkakakilanlan ng mga indibidwal sa likod ng pagpapakalat ng pekeng medical bulletin ng Pangulo.
Kung saan binigyang-diin nya na ang nasabing aksyon ay kawalang respeto, insensitive at walang tahasang paglabag sa batas.










