Ilang buwan bago ang national election sa bansa, mahigpit ang paalala ni Philippine National Police (PNP) Chief General Guillermo Eleazar sa mga pulitiko na huwag sasang-ayon sa demand na “permit-to-campaign fee” ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army (CPP- NPA).
Ayon kay Eleazar, ngayong papalapit na ang panahon ng eleksyon ay inaasahan na nila ang gagawing pangongotong ng CPP-NPA sa mga pulitiko.
Paliwanag ni PNP chief, tinarget ng komunistang grupo ang mga pulitiko o mga indibidwal na nais tumakbo sa halalan.
Babala naman ng opisyal sa mga pulitikong magbibigay ng pera sa CPP-NPA na mahaharap sila sa iba’t ibang kaso katulad ng Anti-Terrorism Act of 2020 lalo’t ang CPP-NPA ay ikinokonsiderang terorista sa bansa.
Giit ni PNP chief, bilang isang public officials o soon to be public officials, sila ay accountable sa taong bayan at hindi sa iilang grupo lamang.