PNP, pinaplano ang pagtatayo ng RT-PCR laboratory sa bawat Regional Command

Plano ng pamunuan ng Philippine National Police (PNP) na magtayo ng RT- PCR laboratory sa bawat Police Regional Command sa bansa.

Ito ay upang matugunan ang pangangailangan sa kalusugan ng mga pulis.

Ayon kay PNP Chief General Camilo Cascolan, makatutulong sa mga pulis kung may sarili na silang RT-PCR sa bawat rehiyon.


Dahil sa ngayon ay ang Camp Crame pa lang at ang Cebu Regional Police Office ang may laboratoryo.

Batay sa resulta ng mga COVID test nitong mga nakaraang mga araw ay dumami na ang kaso sa mga lalawigan.

Batay sa ulat ng PNP Health Service, nakapagtala ng 41 COVID cases sa PNP kahapon, pinakamarami sa Davao Region, sumunod ang Cordillera at Northern Mindanao.

Facebook Comments