PNP, pinabulaanang nawawala ang mahigit ₱300-M pera na nakuha mula sa POGO raid

Itinabi lang ng Philippine National Police (PNP) ang mahigit ₱300 milyong cash na nakuha mula sa ikinasang raid sa 2 POGO hubs sa Las Piñas City at Pampanga.

Ayon kay PNP Public Information Officer (PNP-PIO) Chief Brigadier General Jean Fajardo, ang mga pera ay nasa kustodiya ngayon ng PNP at handa aniya silang tumalima sa kautusan ng korte kung saan nila ito itu-turnover.

Ang pahayag ni Fajardo ay makaraang lumabas ang mga reports na nawawala na ang mga pera matapos salakayin ng pulisya ang mga POGO hubs.


Paliwanag pa nito, ang misinformation hinggil sa naturang pera ay ginagamit lamang ng mga kalaban para tanggalan ng kredibilidad ang Pambansang pulisya.

Sa datos ng PNP, ₱187.82 million ang nasabat sa Clark Freeport POGO hub noong Mayo, habang ang ₱117.18 million naman ay nakumpiska sa raid sa isang POGO sa Las Piñas City.

Facebook Comments