
Pinag-aaralan ng Philippine National Police (PNP) ang muling pagbabalik ng muzzle tape sa mga baril ng pulis ngayon holiday season.
Matatandaan na huling pinatupad ang nasabing paglalagay ng selyo sa mga baril ng kapulisan noong 2023.
Ayon kay PNP Spokesperson at Public Information Office (PIO) Chief PBGen. Randulf T. Tuaño, iminungkahi na kay PNP acting Chief Lt. Gen. Jose Melencio Nartatez, Jr., ang nasabing paglalagay ng muzzle tape sa mga baril ng mga PNP personnel.
Layon nito na maiwasan ang tukso ng pagpapaputok ng baril sa mga kawani ng pulisya ngayong Bagong Taon.
Samantala, maaaring maharap sa kasong kriminal at administratibo ang mga pulis na mapapatunayang magpapaputok at maaari rin itong matanggal pa sa serbisyo.
Facebook Comments









