PNP, pinag-aaralan na ang pagpapasara ng online accounts ng Tukomi Brothers na naging kontrobersyal dahil sa kidnapping prank

Tinitignan na ng Philippine National Police (PNP) ang posibilidad na pagpapasara ng online accounts ng Tukomi Brothers na YouTube content creator na naging kontrobersyal dahil sa kidnap prank.

Ayon kay PNP Spokesperson PCol. Jean Fajardo, ang ganitong prank ay delikado lalo pa’t tungkulin ng mga pulis na rumesponde sa anumang masaksihang banta sa seguridad.

Nabatid na nakita mismo ng isang off-duty na pulis ang fake kidnapping na muntik nang matuloy sa engkwentro.


Paalala ni Fajardo sa mga content creator sa social media na iwasang gumawa ng mga prank na posible nilang ikapahamak.

Ayon pa sa opisyal, hindi maaaring pabayaan lamang ng PNP ang ganitong klaseng mga aktibidad dahil baka magkaroon ng domino effect at tularan din ng iba.

Sa ngayon, pinag-aaralan na ng PNP ang mga karagdagang kasong pwedeng isampa laban sa Tukomi Brothers.

Facebook Comments