Manila, Philippines – Pinag-aaralan na ng Philippine National Police (PNP) kung isasama sa areas of concern ang Quezon City ngayong panahon ng eleksyon.
Kasunod ito kaso ng pagpatay sa barangay chairman ng Bagong Silangan Quezon City at kumakandidatong kongresista na si Crisell Beltran at driver nitong si Melchor Salita.
Matatandaang batay sa inilabas na listahan ng PNP, nasa mahigit 700 mga lugar ang pasok sa election hot spots.
Habang isinailalim naman sa ‘areas of concern’ ang mga lungsod ng Manila, Pasay, Mandaluyong, Caloocan at Malabon dahil sa naitalang hinihinalang election-related incident.
Facebook Comments