PNP, pinag-iingat ang publiko ngayong pagsalubong ng bagong taon

Nagpapaalala ang Philippine National Police (PNP) sa publiko na protektahan ang kanilang sarili mula sa mga posibleng krimen at aksidente sa kalsada habang ipinagdiriwang nila ang bagong taon.

Ayon kay PNP Spokesperson Col. Roderick Augustus Alba, hindi dapat i-update ng real-time ang social media account ng mga aalis ng kanilang tahanan para magbakasyon.

Aniya, nagbibigay lamang ito ng pagkakataon o motibo sa ating mga kababayan na pagtangkaang nakawan o kunin ang buhay mo.


Pinayuhan din ni Alba ang mga biyahero na huwag magdala ng maraming personal na gamit tulad ng alahas at pera dahil maaari itong makaakit ng mga magnanakaw.

Inaasahan din ng pnp na maraming tao ang magdiriwang ng holiday gamit ang alak kaya nagpaalala ito na kontrolin ang kanilang pag-inom ng alak para maiwasan ang mga aksidente sa kalsada.

Facebook Comments