Pinag-iingat ng Philippine National Police (PNP) ang publiko sa kanilang mga transaksyon online ngayong holiday season.
Ayon kay PNP Chief Gen. Rommel Francisco Marbil, mahalagang manatiling mapagmatyag ang bawat isa at iwasan ang pag-click sa anumang “suspicious links.”
Pinaalala rin niya sa lahat na iwasan ang malalaking cash transactions upang maiwasang mabiktima ng mga online scammer.
Patuloy namang nakatutok ang PNP-Anti-Cybercrime Group (ACG) sa mga sindikatong nasa likod ng online scams, ngunit sinabi ni Gen. Marbil na ang kamalayan at pag-iingat ng publiko ang pinakamahalaga.
Facebook Comments