PNP, pinaghahandaan na ang ikakasang prayer rally sa kaarawan ni dating FPRRD

Pinaplantsa na ng Philippine National Police (PNP) ang ikakasang seguridad sa isasagawang prayer rally para sa ika-80 kaarawan ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa March 28, 2025.

Ayon kay PNP Spokesperson at Police Regional Office 3 Director PBGen. Jean Fajardo, kasalukuyang nagpupulong ang PRO 11 at ang lokal na pamahalaan ng Davao upang ilatag ang seguridad sa nasabing aktibidad.

Ani Fajardo, kanilang idedepende ang bilang ng mga ipapakalat na pulis kung ilan ang inaasahang dadalo sa naturang prayer rally.


Samantala, nakahanda ang National Capital Region Police Office sakaling magkaroon din ng galaw o protesta ang mga pro-Duterte sa Metro Manila sa kaarawan ng dating pangulo sa Biyernes.

Facebook Comments