
Ininspeksyon na ng mga kawani ng PNP-Headquarters Support Service (PNP- HSS) at Senate Sergeant-at-Arms ang Custodial Facility sa Camp Crame kung saan pansamantalang mananatili si dating Department of Public Works and Highways (DPWH) Assistant District Engineer Brice Hernandez.
Ayon kay HSS Chief of Staff Col. Dominador Estrada, isinagawa ang inspeksyon kaninang ala-1 ng hapon, kasama ang ilang opisyal ng PNP-HSS at ng Senado.
Layon nitong tiyakin ang seguridad at kahandaan ng pasilidad habang hinihintay ang opisyal na direktiba mula sa Senado.
Matatandaang nagkasundo ang Senado at Kamara na hindi muna ibabalik sa Senado si Hernandez, bilang bahagi ng seguridad, matapos nitong idawit sa kanyang testimonya sina Sen. Joel Villanueva at Sen. Jinggoy Estrada kaugnay sa umano’y pondo para sa flood control projects sa Bulacan na may 30% ‘SOP’.
Sa ngayon, inaantay pa ang pinal na approval ni PNP acting Chief Lt. Gen. Jose Melencio Nartatez Jr., kasunod ng naging pahayag ni Senate President Tito Sotto na sa Custodial Center muna mananatili si Hernandez.









