PNP, pinaigting ang babala kontra sa mga gumagamit ng pangalan ng ahensya para sa holiday scam solicitations

Malapit na ang Christmas season kaya pinaigting ng Philippine National Police ang babala nito sa publiko kontra sa mga indibidwal o grupo na ginagamit ang pangalan ng ahensya, mga yunit nito, at mga opisyal para makapagsolicit ng pera, gamit, o anumang uri ng tulong.

Ayon kay Acting PNP Chief Police Lieutenant General Jose Melencio C. Nartatez Jr., hindi kailanman nagsosolicit o nanghihingi ang kanilang ahensya.

Nagbigay din ng direktiba si Nartatez sa lahat ng PNP personnel sa buong bansa na huwag i-entertain o sagutin ang anumang solicitation messages.

Hinimok din niya ang publiko na manatiling maingat at agad na i-report ang anumang kahina-hinalang aktibidad.

Facebook Comments