
Pinagiting ng Philippine National Police (PNP) ang preparasyon nito sa seguridad sa pagdiriwang ng Sinulog, Ati-atihan at Dinagyang Festival ngayong taon.
Layon nito na matiyak ang ligtas,maayos at mapayapang selebrasyon ng 3 sa pinakaabangang religious at cultural event sa bansa.
Dahil dito, nag-deploy ang PNP ng kabuuang 2,980 personnel para sa Ati-atihan Festival na ginanap kahapon, Enero a-12 hanggang Enero-18.
Samantala, nasa kabuuang 3,078 naman ang itinalagang personnel para sa Dinagyang Festival na gaganapin naman sa Enero a-25.
Kaugnay nito, kasama sa security measures ng ahensya para sa mga nasabing aktibidad ang pagsuspinde ng mga permit ng mga baril , kung saan ang pwede lang gumamit nito ay ang mga uniformed personnel lamang na nakaduty mula sa PNP, Armed Forces of the Philippines at iba pang law enforcement agencies.
Habang sa pagdaos naman ng ika-461 na Fiesta Señor at Sinulog Festival sa Cebu, nasa higit 6,500 law enforcement at emergency personnel ang idineploy.
Kung saan isang moble command vehicle ang inactivate para makadagdag sa real-time monitoring at mabilis na koordinasyon.
Tiniyak naman ng PNP sa publiko na ang operasyon sa seguridad ay mananatiling proactice at community-oriented na may mga assistance desks, medical response teams, at crowd safety ang nakaposisyon sa mga nasabing lugar.










