PNP, pinaigting ang presensya nito kasunod ng madugong sagupaan sa ikinasawi ng 7 indibidwal sa Kidapawan City, Cotabato

Pinaigting ng Philippine National Police (PNP) ang presensya nito kasunod ng madugong sagupaan sa Kidapawan City, Cotabato kung saan ikinasawi ito ng 7 indibidwal.

Ayon sa ulat ng pulisya, nangyari ang insidente sa Barangay Malinan noong Lunes, Nobyembre 24 kung saan isang grupo ng armadong kalalakihan ang biglang namaril sa isa pang grupo na agad ding ikinasawi ng 7 katao.

Dahil dito, inatasan ng PNP ang Police Regional Office 12 na magsagawa ng imbestigasyon patungkol sa mga suspek at sa motibo ng nasabing insidente.

Ayon kay Police Lieutenant General Jose Melencio C. Nartatez, Jr., base sa inisyal na ulat ang motibo ay maaaring may kaugnayan sa rido o alitan ng angka o pagtatalo sa lupa.

Ngunit ayon sa kanya ay tinitingnan pa rin nila ang iba pang anggulo sa eksaktong motibo ng nasabing pag-atake.

Samantala, nanawagan si Nartatez sa mga residente na maging kalmado at mapagmatyag habang pinalalakas ng mga awtoridad ang seguridad sa nasabing lugar.

Facebook Comments