Thursday, January 29, 2026

PNP, pinakilos na ang pwersa ng pulisya para tumulong sa militar sa pagtugis sa mga umatake sa dalawang sundalo sa Basilan

Pinakilos na ng Philippine National Police (PNP) ang pwersa ng pulisya para tumulong sa Militar sa pagsasagawa ng manhunt laban sa mga umatake sa dalawang sundalo sa Tipo-tipo, Basilan.

Ayon kay PNP Chief General Jose Melencio Nartatez Jr., inatasan na din nito ang Police Regional Office–Bangsamoro Autonomous Region (PRO-BAR) para magsagawa ng mga kinakailangang hakbang sa seguridad para pigilan ang mga insidente ng pamamaril at mapanatili ang kapayapaan at kaayusan sa lugar.

Nabatid na nabaril nang hindi pa nakikilang mga salarin ang 2 biktima na bumibili lamang sa tindahan malapit sa kanilang kampo sa bayan ng Tipo-tipo noong Lunes.

Ang mga nasabing biktima ay myembro ng 45th Infantry Battalion (45IB) ng Philippine Army.

Tiniyak naman ng PNP na nananatiling nakaheightened alert ang pulisya kasama ng militar para mapigilan ang mga pag-atake at agad na makaresponde sa anumang banta.

Facebook Comments