PNP, pinapatutukan sa mga guardian ang mga online learners para hindi mahimok na sumapi sa NPA

Malaki ang posibilidad na malantad ang mga online learner sa paghimok ng New People’s Army (NPA) na sumapi sa kanila.

Ito ang pahayag ng pamunuan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP) sa harap ng pagsisimula ng online mode of learning sa mga pampublikong paaralan sa October 5.

Ayon kina AFP Chief of Staff Gen. Gilbert Gapay at PNP Chief Gen. Camilo Cascolan na sa kabila na wala pang ulat na mayroong na-recruit sa pamamagitan ng online ay posible ring magamit ang network sa NPA recruitment.


Kaya naman nanawagan ang mga mga opisyal ng militar at pulisya sa mga magulang na gabayan ang kanilang mga anak habang nag-aaral gamit ang computer.

Makabubuti rin na makipag-ugnayan sa mga guro kung kinakailangan upang maging updated sa online class transaction ng anak.

Ginawa ng dalawang heneral ang pahayag kasunod ng National Joint Peace and Security Coordinating Center meeting sa Camp Crame kung saan naglalayong himukin ang mga kabataan na huwag umanib sa anumang teroristang grupo.

Facebook Comments