PNP, pinase-secure ang kanilang hanay

Hinimok ni Committee on Public Order and Safety Vice Chair at DIWA Partylist Representative Michael Edgar Aglipay ang Philippine National Police (PNP) na i-secure ang kanilang hanay.

Giit ng kongresista, nakakabahala aniya na may mga pulis sa loob ng institusyon at mga ibang nais mapabilang sa PNP ang binibigyang katwiran pa ang pagpatay ni Police Senior Master Sergeant Jonel Nuezca sa mag-inang Gregorio.

Binigyang-diin ni Aglipay na dahil sa nature ng trabaho ng mga pulis, mahalaga na maitaas din ang standard ng mga ito.


Inirekomenda ng kongresista na sinumang gustong magpulis na mayroong violent tendencies at hindi makontrol ang sarili ay hindi dapat makapasok sa serbisyo.

Hinihikayat din ng mambabatas ang mga kasamahang kongresista na magkaisang labanan ang ganitong krimen lalo na sa mga insidenteng may police violence.

Facebook Comments