Inirekomenda ng Philippine National Police – Internal Affairs Service (PNP-IAS) ang suspensyon sa iba pang mga pulis na sangkot sa pagpatay kay Jemboy Baltazar na biktima ng mistaken identity sa Navotas.
Ayon kay PNP-IAS Inspector General, Atty. Alfegar Triambulo, bigo kasi ang mga ito na i-preserve ang crime scene at isalang sa ballistic at paraffin test ang mga sangkot sa pamamaril.
Tapos na rin ang pagdinig sa ikalawang kaso ng 23 pulis na sangkot sa pagkamatay ni Jemboy at naisumite na ang naturang rekomendasyon kay National Capital Region Police Office (NCRPO) Director, PBGen. Jose Melencio Nartatez.
Samantala sinabi rin ni Triambulo na muli rin nilang inirekomenda sa NCRPO na tanggalin na ng tuluyan sa serbisyo ang 8 pang pulis na namaril kay Jemboy.
Gayunman, sinabi ni Triambulo na wala pa silang rekumendasyon hinggil sa chief of police ng Navotas PNP dahil naghihintay pa sila ng go signal mula sa Malacañang.