Manila, Philippines – Hindi dapat na mabahala ang mga taga-Metro Manila kasunod ng pagkakaaresto sa mag-asawang Syrian na umanoy miyembro ng Islamic State of Iraq and Syria o ISIS.
Ito ang tiniyak ni PNP spokesperson Sr. Supt. Dionardo Carlos sa harap ng posibleng takot na dulot ng pagkakaaresto ng 2 banyaga.
Ayon kay Carlos at batay sa kanilang intelligence gathering, wala silang namomonitor na iba pang personalidad na kasabwat ng dalawang naarestong Syrian ang nasa bansa ngayon.
Pero nanatili namang na naka-full alert ang buong bansa mula nang ideklara ni Pangulong Rodrigo Duterte ang State of Lawlessness.
Ibigsabihin nito, nakaalerto ang lahat unit ng PNP at iba pang pang law enforcement agencies sa pagtukoy kung may kasabwat ang dalawang naaresto na narito pa sa bansa ngayon.
Nation”, Rea Mamogay