PNP, pinayuhan ang mga Christmas Shoppers na gumamit na lang ng Debit o Credit Card, sa halip na cash para iwas sa mga mandurukot

Pinayuhan ng Philippine National Police (PNP) ang publiko na gumamit na lamang ng Debit o Credit Card sa pamimili ngayong pasko sa halip na cash.

Ayon kay PNP Deputy Chief of Operations, Lt/Gen. Camilo Cascolan, layunin nitong maiwasan na madukutan.

Sinabi rin ni Cascolan na dapat ding mag-ingat sa paggamit ng card.


Maging mapagmatiyag o alerto kapag magwi-withdraw ng pera sa ATM.

Pero kung hindi maiiwasan ang pagbabayad gamit ang cash, payo ng PNP na magdala lamang ng sapat o kakailanganin.

Facebook Comments