Pinayuhan ng Philippine National Police (PNP) ang mga biyahero na alamin kung ang lalawigang kanilang pupuntahan ay nangangailangan ng travel pass.
Ayon kay PNP Directorate for Operations Chief Police Major General Alfred Corpuz, maaaring makipag-ugnayan ang mga biyahero sa kanilang local police station.
Maaari rin nilang bisitahin ang social media accounts ng PNP.
Sa mga bibiyahe lulan ng barko o eroplano ay maaari silang makipag-ugnayan sa kanilang airlines o shipping companies para malaman kung mayroong additional requirements sa kanilang pupuntahan.
Pero iginiit din ng PNP na mas mainam na limitahan muna ang pagbiyahe lalo na kung hindi kinakailangan.
Facebook Comments