PNP, pinayuhang unahin na linisin ang kanilang hanay kesa atupagin ang pagbabawal ng PDA

Pinatututukan ni PBA Partylist Rep. Jericho Nograles sa Philippine National Police (PNP) na linisin ang kanilang hanay sa halip na atupagin ang pagbabawal sa “Public Display of Affection” (PDA).

Sinabi ni Nograles na katawa-tawa na pinaprayoridad ng PNP ang paghihigpit sa mga couples gayong ang imahe ng pambansang pulisya ay napakababa lalo pa’t ilang police personnel na ang nasasangkot sa mga iskandalo.

Dahil dito ay iminungkahi ng kongresista sa PNP na i-review ang kanilang top priorities dahil may mas malaki silang dapat na harapin kesa ang habulin ang mga magkarelasyon na nag-PDA.


Aniya pa, naririyan naman ang mga barangay tanod para paalalahanan ang mga tao sa physical distancing.

Ipinaalala ng mambabatas na kamakailan lamang ay nadawit ang mga pulis sa pagpatay kay Calbayog City Mayor Ronald Aquino at ilang lingggo lamang din ang nakalipas ay nasangkot naman ang PNP sa kwestyunableng encounter sa pagitan ng mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Authority (PDEA).

Facebook Comments